CNF Writing Exercise: Spirit of the Childhood Past

Tatlo kaming magkakaibigan noon- ako, si AJ, at si Gabby. Unang taon ko ng pag-aaral sa aking bagong paaralan at sila ang napili kong makasama buong pre-school. Nagbago ang lahat ng ito ng dahil sa isang maliit na gagamba. Habang kami ay bumibyahe pauwi, may nakita kaming gagambang neon green sa buhok ni Gabby. Napasigaw ksmi, nagulat naman sila. Tumili si Gabby at nanlisik ang kanyang mga mata. Galit na galit si Gabby. Unang beses kong makakita ng matang walang itim at mawalan ng kaibigan. Bakit ba kasi kami takot na takot sa gagamba?

--

--